Sa kanyang post tinawag na ‘disgrace’ ni Paolo ang anak na si Isabelle na hinamon pa niyang magpalit ng apelyido dahil sa kawalang respeto nito.
Nag-ugat ito sa tweet ni Isabelle na nasa dayalektong Bisaya, kung saan sinabi niyang “Hindi dahil mayroon kang posisyon sa lungsod, hindi ka dapat manakit ng isang tao! Hindi dahil na may kapangiyarihan ka, hindi ka maaring manakit ng ibang tao!!! Hindi lang tao, kundi bata!!! Hindi ibig sabihin na may pangalan ka, hindi mo pwedeng gawin ang mga ganoong bagay!!! Hindi ibig sabihin na Duterte ka, ay pwede na!!!”
Sinundan pa ito ng isa pang tweet kung saan sinabi ni Isabella na taun-taon na lamang sinisira ng kaniyang ama ang kaniyang Pasko, kasunod ng pahayag na “What a time to be alive.”
Dagdag ni Paolo sa kanyang post na hindi siya mananahimik lamang matapos aniyang ibugaw ng isang tao ang kaniyang anak.
Sinabihan pa ni Paolo ang anak na hindi siya katulad ng ina at stepfather nito.
Hindi naman tinukoy ng presidential son kung sino ang nagbugaw sa kaniyang anak.
Hiniritan pa ng Bise Alkalde ang anak na mag – aral muna para malagyan ng laman ang utak nito at hindi na aniya nakikinig ang anak dahil sikat na ito sa kawalan ng respeto sa kaniyang sariling ama.
Sa comments section, patuloy pa ang ama sa pagsermon sa kanyang anak at sinabing“Nagkatawa ko sa iyang tweet oi!! Every year gyud unsa kaha iyang Christmas atong 1 year old siya ataya oi [Her tweet really makes me laugh!!! Really every year[?] I wonder what was her Christmas like when she was one year old.] ,”
Ipinaalala pa ni Duterte sa kaniyang mga followers na i-like ang nasabing post para sa kaniyang “millenial” na anak.
“PAHINUMDUM: AYAW MO KALIMOT UG LIKE PARA MAKADAUG KO SA PADAGHANAY UG LIKES SA AKONG MAAYUHONG MILLENIAL NGA ANAK. SALAMAT,” ani Paolo.
0 Comments