Nakatakdang imbestigahan na Department of Health (DOH) ang over-priced na pagbili ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito’y matapos na lumutang sa isinasagawang congressional inquiry na binili ng tig-isanlibong piso ang bawat vial ng Dengvaxia sa halip na P600 piso lamang.
Ipinaliwanag ni Duque na maging siya ay labis na nagulat sa pagsisiwalat ng House committee on good government and public accountability na inirekomenda ng Sanofi-Pasteur.

Dagdag pa nito na ikinagulat niya ang pangyayari dahil sa laki ng presyo mula sa itinakdang presyo nito.
Lumabas ang nasabing usapin sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng mga mambabatas sa anomalya ng dengue vaccine.
0 Comments