Subscribe Us

header ads

Pagpatay sa mag-ina sa Cavite sumuko na,Suspek inaming sinakal ang dalawa!

Sumuko na alas-7:30 ng umaga sa Eastern Samar-PPO ang suspek, kung saan inamin nito na sinakal niya ang mga biktima, na naging dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Ang suspek kinilala na si Ruel Galban-Cabatingan at base narin sa imbestigasyon ng Cavite-Philippine National Police (PNP), napag-alaman na kalaguyo umano ni Ruby Gamos ina sa 7-taong gulang na si Shania Nicole Gamos ng General Trias, Cavite.

Lumantad na kahapon ang suspek sa pagpatay sa mag-ina ng isang OFW sa Cavite, kasabay ng pag-ako sa krimen. 


Ayon kay Senior Supt. William Segun, hepe ng Cavite police, kusang sumuko dakong alas-7:30 ng umaga sa Eastern Samar police si Ruel Galvan Cabatingan, 36, isa ring overseas Filipino worker, tubong Borongan City, Samar at karelasyon ng napaslang na ginang.

Matapos gawin ang krimen ay nagtago si Cabatingan sa Eastern Samar dahil may mga kamag-anak siya roon.

“Ang sinabi niya, he did it, pinatay niya iyung dalawa by choking,” wika ni Senior Supt. Tranquilino Araral III, hepe ng Eastern Samar police. 

December 14 nang dumating sa kanilang probinsya si Cabatingan para manuluyan sa kanyang kapatid.


Nakatakdang sunduin ng Cavite police si Caba­tingan mula Samar.

Magugunita na noong Disyembre 11 nang matagpuan ang bangkay ng mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa Lancaster Subdivision, Ge­neral Trias, Cavite.

Batay sa salaysay ng mga kapitbahay sa pulisya, madalas makita si Cabatingan sa bahay ng mga Gamos.

Nangyari ang krimen habang nasa United Arab Emirates ang padre de pa­milyang si Marlon Gamos, isang seaman. 

Una nang nagsuspetsa ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng General Trias Police   na pagnanakaw ang pa­ngunahing motibo sa krimen dahilan ang ilang mga kagamitan ng ginang tulad ng mga alahas, TV, laptop at cellphone ay nawawala sa bahay ng biktima kung saan tanging  ang mag-ina lamang ang tao gayundin bukod dito ay tinangay ng salarin sa pagtakas ang behikulong Toyota Wigo (VD9843 ) ng biktima.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na rason sa pagpatay sa mag-ina, ngunit tinitingnan na ang anggulong selos dahil sa nakatakdang pag-uwi ng asawang overseas Filipino worker ni Gamos nitong buwan.

Nilinaw naman ni Col. Segun na ang suspek na si Cabatingan, na isa ring dating OFW, ay taga-Sorsogon at kaya raw nagtungo ito ng Eastern Samar ay dahil sa kanyang kapatid.

Sinasabing si Cabatingan ay ka-batch sa high school ni Marlon at kaklase ng kanyang misis.


Paliwanag ni Marlon, wala raw siyang ideya na may relasyon ang kanyang misis at ang suspek.

Post a Comment

0 Comments