Pitong mga miyembro ng Philippine Marines at kasamang opisyal ang nasugatan sa pagsabog at pananambang sa nangyaring ala-1:06 ng madaling araw kanina sa probinsya ng Maguindanao.
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, pasado ala-una ng madaling araw ng maganap ang ambush at pagpapasabog sa Brgy. Nuro, North Upi, Maguindanao habang nagsasagawa ng pagpapatrol ang tropa ng pamahalaan.
Nakilala ang mga nasugatan na sina Major Romulo Ducay, Cpl. Alvin Jay G. Sangadan, Cpl. Arnel M Jun, Pfc. Johnny P. Panday, Pfc. Gerwin G Perez, Cpl. Oliver B. Albo at Cpl. Ryan F. Cabual.
Mabilis na gumanti ng putok ang mga sundalo kaya napilitang tumakas kaagad ang mga rebelde.
Sinasabing mga miyembro ng Far South Mindanao Regional Committee ang umambush sa nasabing mga Marine troopers na kaboilang sa Marine Batallion Landing Team 5.
Bumuo naman ng team ang militar at ang lokal na pulisya sa lugar ng isang team na ngayon ay tumutugis sa mga armadong kalalakihan.
Marami ang naniniwala na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa ilalim nang tinaguriang Far South Mindanao Regional Committee ang nanambang sa mga tauhan ng Philippine Marines.

Nagpapalakas umano ngayon ng pwersa ang mga NPA at nire-recruit ang mga katutubong Tiduray sa North at South Upi, Maguindanao.
May ilang mga magsasaka na ang nagrereklamo dahil pinipilit silang magbigay ng revolutionary tax ng mga NPA.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang combat clearing operation ng MBLT-5 laban sa mga NPA.
source:radyo.inquirer
0 Comments