Kasabay ito ng unang anibersaryo ng pagkakalibing ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw.
Sa ipinalabas na pahayag ng (hashtag) #BlockMarcos, sinabi nito na kanilang inaalala ang Nobyembre 18, bilang araw ng matinding galit at paglaban sa nasabing pagkakalibing ni Marcos sa heroes’ cemetery.
Anila, kanilang ginugunita ang naramdamang kahihiyan sa nangyaring pagsawalang bahala sa hustisya at pahiwatig sa pagbabalik ng banta ng diktatorya sa bansa.
Nagbabala rin ang grupo na hindi sila mapapagod at titigil na magsagawa ng mga kilos protesta hangga’t hindi naaalis ang labi ni dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
“We mark this day with a symbolic action to renew our call to unearth the dictator and all the remnants of tyranny that continue to haunt us until today. We relive the indignation we felt at the Marcoses’ callous desecration of our history and the memory of those who died fighting Marcos’ martial law,” bahagi ng kanilang statement.
Matatandaang, inilipad mula Ilocos Norte at inilibing ng pamilya Marcos sa Libingan ng mga Bayani ang dating pangulo sampung araw matapos ibasura ng korte suprema ang mga petisyon na kumokontra rito noong Nobyembre 8 ng nakaraang taon.
source:bomboradyo
0 Comments