“Sana naman kung ano man ‘yung papataw sakin na penalty, bigyan naman ako ng senior citizen discount na 20 percent.”

Ito ang pakiusap ng aktres at beauty queen Maria Isabel Lopez sa Land Transportation Office,na ikonsidera ang kaniyang pagiging senior citizen kaugnay ng mga hinaharap niyang reklamo dahil sa pagbiyahe sa ASEAN lane.

Si Lopez ay iniimbitahan ng LTO para mapaliwanag ang kanyang side kung bakit nilabag nito ang Anti-distracted driving law na gumamit diumano ng video habang nilatas nito ang ASEAN lane ng MMDA.

Sa mga pa post pa nito sa social media ay “MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate. If you can’t beat ‘em, join them,” ani Lopez sa caption ng ilang video.


Sa kanyang pagharap sa LTO, ipinaliwanag din ni Lopez na nagpaalam siya sa isang traffic enforcer para makadaan sa ASEAN lane.

Aniya, “Sinabi ko naman sa kanila na ang intention ko is not to breach the security, because I was talking to an MMDA official. If there was an intention, I would not have talked to him.”

Idiniin din ni Lopez na wala siyang record ng kahit anong traffic violation bukod sa paggamit ng ASEAN lane.

Agad namang humingi ng paumanhin si Lopez sa kanyang pagkakamali.

Once again, I’m apologizing to the people I have inconvenienced, the public, those people who missed their flights. It was a lapse of judgment on my part. ‘Yung pag-post ko naman sa (My posting on) social media, it’s just like the child in me,” ani Lopez.

source:ABS-CBN