Subscribe Us

header ads

DENR Sec. Roy Cimatu, Nilinaw na Hindi Delikado ang nilalagay na Dolomite Sand sa Manila Bay



Sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu sa Kamara na hindi umano delikado sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran ang inilalagay na dolomite sand sa Manila Bay.

Ipinaliwanag ni Cimatu sa agdinig ng ₱25.5 billion na 2021 budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Kamara na hindi umano harmful o hindi delikado sa kalusugan ng tao ang dolomite sand dahil mas malaki at mas mabigat kumpara sa ordinaryong buhangin ang kanialng binili na crushed dolomite boulders.




Ayon pa kay Cimatu ay tatlong beses na mas malaki ang dolomite sand kaysa sa ordinaryong buhangin.

Paglilinaw pa ni Cimatu na nagiging delikado lang umano ang dolomite kung ito ay galing sa minahan na mala-pulbos ang itsura pero ang inilalagay umano na dolomite sa Baywalk ay wala nang dust particles, kaya naman walang dapat ikabahala ang publiko sa White Sand na nilalagay sa Manila Bay.




Nagsagawa rin umano sila ng technical study bagi nila ginawa ang paglalagay ng White Sand sa Manila Bay kung saan sinigurado ni Cimatu na hindi basta basta aanurin o tatangayin ng tubig ang White Sand.

Mayroon umanong 100 meter geo-tube na inilagay sa Manila Bay na parallel sa shoreline na magho-hold sa buhangin tuwing may malakas na alon.




Dagdag pa ni Cimatu na makakatulong pa umano ang dolomite sand para linisin ang tubig sa Manila Bay at hindi lamang ynang beses bna may gumamit ng ganitong uri ng buhangin sa mga beaches sa bansa.

Pagdating naman sa pondo, nilinaw ni Usec. Jonas Leones na ang ₱389 million na budget sa beach nourishment ng Manila Bay ay galing sa ibinigay na special fund ng Department of Budget and Management (DBM) noong 2019 pa na nakalaan talaga para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sa pondong ito ay ₱28 million lamang ang inilaan para sa pagbili ng dolomite sand at ang natitira ay para sa iba pang proyekto para sa paglilinis at pagpapaganda ng Manila Bay.

Source: RMN

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments