Kumambyo ang DOH sa kanilang sinabi na may masamang dulot ang dolomite sand na nilalagay ngayon sa Manila bay.
Matatandaan na sinabi ng Department of Health (DOH) na delikado umano ang dolomite sa kalusugan ng tao, ngayon ay binabawi na nila ang kanilang sinabi tungkol sa White Sand na nilalagay sa Manila Bay.
Nilinaw ito ng DOH na ang dolomite na nasa dust form o katulad ng alikabok o gaya ng iba pang dust particle ang maaring magdulot ng sintomas gaya ng paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga at pag-uubo na kalimitang reaksyon ng katawan ng tao.
Sinabi pa ng DOH na kagaya ng naging pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) tungkol sa dolomite na inilalagay ngayon sa Manila Bay ay ang dolomite material na nasa 2-5mm o 100 na mas malaki sa alikabok kaya siguradong hindi sasama sa hangin.
Ipinatutupad din naman ng DOH ang occupational at health and safety standards sa mga manggagawa sa Manila Bay.
Source: facebook
Source: Noypi Ako
0 Comments