Subscribe Us

header ads

Lalaki na inabutan ni Usec. Antiporda na Dumudumi sa Manila Bay, Arestado



Isang lalaki ang arestado matapos abutang dumudumi sa Manila Bay nila Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda habang nagsasagawa ng clean-up drive kanina.

Ayon sa lalaki ay hindi na umano nya mapigilan kaya naisipan nyang sa Manila Bay na lang mag-cr.

Kahit na nagpaliwanag ang lalaki, tinitiyak ni Usec. Antiporda na maaaresto ang lalaki kung saan siya din mismo ang tatayong complainant.




Naglabas ng saloobin si Usec. Antiporda kasunod ng kaliwa’t kanang reklamo habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon kabilang na ang paglalagay ng dolomite bilang artificial white sand sa Manila Bay.



Ayon kay Usec. Antiporda, noong basura at dumi ng tao ang nakatambak doon sa Manila Bay ay wala silang nakikitang nagrereklamo pero ngayong pinapaganda na ito ay saka naman nagkakaroon ng pambabatikos.

Pinangunahan naman kanina nila DENR Usec. Antiporda at Usec. Jonas R. Leones ang clean-up drive bilang paghahanda sa International Coastal Cleanup sa darating na September 19, 2020.




Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), dati 50 truck ng basura ang nakakahot nila araw-araw sa Manila Bay, pero ngayon ito ay nasa dalawa o tatlong truck na lamang ng basura.


Source: facebook

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments