Pinangaralan ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza ang Department of Environment and National Resources (DENR) tungkol sa paglalagay ng White Sand sa Manila Bay.
Ayon kay Atienza, ang nilagay na White Sand sa Manila Bay ay hindi makakapagbago ng tubig doon dahil hindi pa rin daw nito malilinis ang tubig ng dagat.
Ayon pa kay Atienza ay nagsasayang lang umano ng pera ang DENR dahil hindi muna nila sinulusyonan ang pinaka problema.
“We are not addressing the problem correctly, lipstick nang lipstick ang ginagawa mo. Pinapaganda mo ang mukha, pero hindi mo naman inaayos ‘yung tunay na sanhi ng problema. Kaya sayang ang pera,”-saad ni Atienza.
“Either Sec. Cimatu and Usec. Antiporda, mag swimming kayo diyan. Kapag ka kayo ay nakalulon ng isang kutsarita ng tubig sa Manila Bay, palagay ko matagal kayo sa ospital,”- dagdag pa nito.
Pahayag pa ni Atienza na kahit pa umano lagyan ng White Sand ang Manila Bay ay madumi naman ang tubig at may lason.
“Mali ‘yung sinasabi ng DENR na mabubuhay ulit ang mga shell fish dito… Lason pa rin ‘yan. Huwag kayong kakain ng talaba, tahong, at anumang galing sa Manila Bay until all the sewage, ‘yung dumi ng ating mga toilet, ay mapigil na ang pagdaloy diyan,”- pahayag ni Atienza.
Source: Youtube
Source: Noypi Ako
0 Comments