Kahit putol ang kaliwang binti ni Ricardo, matiyaga pa rin itong tumutulong sa pagsasaayos ng trapiko sa intersection ng Peñafrancia at Quirino Ave. sa Manila. Ayon sa GMA News, regular na empleyado na ng Manila Traffic and Parking Bureau si Ricardo na hindi iniinda ang kanyang kapansanan kahit halos maghapon siya sa gitna ng kalsada.
Dati lamang na nag-volunteer ng pagsasaayos ng trapiko si Bulosan. Ngunit dahil sa pinakita niyang determinasyon sa pagtatrabaho, ginawa na siyang traffic enforcer ng lungsod ayon sa ABS-CBN News.
Marami ang humanga kay Bulosan dahil hindi biro ang tumayo sa gitna ng kalsada gayung may hawak pa siyang saklay habang nagmamando ng daloy ng trapiko sa lugar.
Ayon pa nga sa ilang netizens, mabuti pa raw si Ricardo kumpara sa ibang kumpleto sa pangangatawan ngunit panay ang reklamo sa bahay o ang masaklap, hindi maghanap ng maaring pagkakitaan kaysa magmukmok na lamang.
Lalo na ngayong panahon ng pandemya na maraming trabaho ang apektado, wala na raw dapat na pinipili pang trabaho. Ang mahalaga ay mayroon pang maiuuwing panggastos sa pamilya sa marangal na paraan. Narito ang mga larawan ni Ricardo mula sa DZBB
Source: Noypi Ako
0 Comments