Subscribe Us

header ads

VP Leni Robredo, Kumpiyansa na Patuloy na bababa ang Kaso ng C0VID-19 dito sa Bansa



Kumpiyansa si Vice President leni Robredo na bababa ang kaso ng C0VID-19 dito sa bansa.

Umaasa umano si Vice President Leni Robredo na patuloy na bababa ang mga kaso ng C0VID-19 sa mga susunod na linggo para umano makabangon ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagkalat ng pandemya.

Ayon kay VP Robredo ay nagbibigay ng pag-asa ang mga lumalabas na datos ng pagbaba ng kaso ng C0VID-19.




Dagdag pa ni Robredo na nagbunga ng magandang resulta ang hiling na time out ng mga medical frontliners sa kumakalat na pandemya.

Napuna din ni VP Leni na bagama't malayo sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) na 5-percent positivity rate, patuloy na bumababa ang positivity rate ng Pilipinas.



Hinihimok ni VP Leni Robredo ang manatiling mapagbantay ang lahat at magtulungan.

Ang tagumpay umano ng bansa laban sa C0VID-19 ay nakadepende sa pagsunod ng mga tao sa health and safety protocols ng ating bansa.

 Source: RMN

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments