Ayon kay Ubial, sa umpisa ay kontra siya sa naturang deal, lalo na noong assistant secretary pa lang siya ng kagawaran.
Pero nagbago umano ito dahil sa pressure nang maging kalihim na siya ng DoH.
Inamin din niya na “nag-flip flopping” siya sa isyu dahil pilit daw niya itong dini-delay dahil sa hangarin niyang “damage control.”
Maging ang Kongreso ay binalaan din daw siya na mananagot kung hindi ipapatupad ang dengue vaccine.
Naging dahilan pa raw ito para mapahamak siya sa kumpirmasyon niya sa pagharap sa Commission on Appointments (CA).
“I was indeed pressured but I did not give in!” pahayag pa ni Ubial
Bagama’t hindi na tinukoy ang nag-pressure sa kaniya, sinabi ng dating opisyal na nakatanggap pa siya ng bantang makakasuhan kung hindi papayagan ang pagpapatuloy ng naturang programa.
Matatandaang nagsimula ang Dengvaxia deal noon pang Aquino administration, kung saan si Sec. Janette Garin pa ang namumuno sa kagawaran.
“The pressure was there starting the first day that I became the secretary of Health,” wika pa ni Ubial.
Kasabay nito, tinuligsa rin ni Ubial ang sistema ng politika sa DOH kaya apektado ang mga proyekto.
Humarap din sa Senado ang dating consultant ni Ubial na si Dr. Francis Cruz.
Kinampihan niya ang dating kalihim sa ginagawang paglilinis sa kagawaran.
Naglabas din ito ng alegasyon sa mas malaki pa umanong anomalya na kinasasangkutan ng mas malaki pang pera sa proyekto ng DOH.
Ang pagdinig sa Senate blue ribbon ay naging daan na magkaharap harap sina Ubial, Sec. Francisco Duque III at dating Sec. Janette Garin.
Sa mensahe ni Garin, iginiit nito na ang procurement ng Dengvaxia ay mahabang proseso kaya hindi maibabato ang sisi sa nakaupo noong naaprubahan ang P3.5 billion deal.
Dumaan din umano ito sa pag-aaral ng Food and Drug Administration (FDA), kaya nagtiwala silang matinong bakuna ang nabili ng gobyerno mula sa Sanofi Pasture.
source:bomboradyo
0 Comments