Subscribe Us

header ads

Garin: Walang “midnight deal”sa pagbili ng anti-dengue vaccine!

Nanindigan si dating Health Secretary Janette Garin na walang nangyaring “midnight deal” kaugnay sa pagbili ng P3.5 billion na halaga ng mga anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sinabi ni Garin na taong 2010 pa nang magsimula ang pag-uusap hinggil sa pagbili ng Dengvaxia, o noon pang panahon ni dating Health Secretary Enrique Ona, na hinalinhan niya.

“Wala po itong korupsiyon. Wala itong hinahangad na pagmamadali, dahil matagal na pong pinag-uusapan ang problema ng dengue,” ayon kay Garin


Nanindigan rin si Garin na walang malisya ang ginawa niyang pakikipagkita sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur sa Paris, kung saan umano inilahad ng mga ito ang presyo ng nasabing bakuna, at sa katunayan ay may kasama pa umano siyang taga-Department of Foreign Affairs (DFA) noon.

“It’s not a midnight deal. Everything was above board. The integrity management committee report of the DoH will show that. Inuulit ko. The report is there,” dagdag ni Garin

Una nang inamin ng Sanofi na natukoy sa kanilang pag-aaral na maaaring magkaroon ng severe dengue ang isang nabakunahan ng Dengvaxia na hindi pa dinadapuan ng nasabing sakit.

Umapela naman si Garin na huwag pangunahan at sa halip ay hintayin na lang muna ang rekomendasyon ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) hinggil sa dengue vaccine.

Sa pagdinig sa Senado, muling iginiit ni Garin na wala siyang ginawang mali sa pagbili ng gobyerno ng nasabing bakuna.

“I welcome this inquiry because as a former secretary of health, I share the pursuit of truth and transparency. Ang desisyon sa pagbili ng Dengvaxia ay resulta ng dekadang pag-aaral at pagpaplano ng DoH,” ani Garin. 

“It is an institutional decision to a greater public health need and a result of our consultations with experts, advocates and medical professionals.”giit pa ni Garin.

Samantala umapela rin si Garin sa mga senador na pagpaliwanagin din ang Sanofi.

“Hindi lang naman Pilipinas ang nag-uusap when this was being done. It was a group of 11 countries na magkakasamang nagmi-meeting. Kung nagsinungaling nga ang Sanofi hindi lang po sa amin pati sa ibang bansa at sa WHO (World Health Organization) eh, dapat naman pong talagang managot sila. Hindi lang po sila lang, madami pa po dapat,” ani Garin.

“Maybe there were no change in the medical advisory—its not actually medical advisory… if Sanofi did not request a change in labeling, because that is what actually happened, the DoH organization will be heralded as heroes for addressing the dreaded dengue which for many years without specific cure,” dagdag pa ni Garin. “If I need to answer, ‘yun po ay haharapin ko nang buong-buo, kasi po ‘yan po ang naging desisyon ng buong departamento. We’re always be here for any meeting.”dagdag pa ni Garin

source:balita.net

Post a Comment

0 Comments