Subscribe Us

header ads

573 na rebeldeng NPA sumuko sa AFP, ” Walang tigil-putukan sa pasko!

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) umabot na sa kabuuang 573 na rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga pwersa ng pamahalaan mula nang kanselahin na nang tuluyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa National Democratic Front sa pamamagitan ng Proclamation 360.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo, umaasa silang mas maraming miyembro ng NPA ang susuko pa sa mga susunod na araw.

Nanawagan ang AFP na sumuko na ang iba pang kasamahan nito kung ayaw nilang masawi sa kanilang mga operasyon.


Apela ng AFP lalo na’t tiniyak nilang magpapatuloy pa rin ang kanilang pinaigting na operasyon laban sa mga rebeldeng nagsasagawa ng karahasan at paninira laban sa mga komunidad.

Ayon kay Arevalo nasa 264 na rebelde na ang napatay o nasukol nila sa kanilang mga operasyon mula Pebrero hanggang Nobyembre.

Ipinahayag naman niya na bukas pa rin silang tumanggap sa mga sumusukong rebelde kahit na mas pinaigting na nila ang mga operasyon laban sa NPA.
source:radyo.inquirer

Post a Comment

0 Comments