Subscribe Us

header ads

Chief of police sa Iloilo, hinamon ng barilan sa plaza ang NPA!

Tinukoy ng pulisya sa bayan ng Sibalom, Antique ang mga drug personalities na umano’y nagbibigay suporta at nagpopondo sa New People’s Army (NPA) na nanambang sa mga kasapi ng Sibalom Municipal Police Station noong isang araw.

Sinabi sa Bombo Radyo Iloilo ni S/Insp. Clark Phillip Dinco, hepe ng Sibalom Municipal Police Station, sinusuportahan umano ng pamilya ng dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent na si Macario Grasparil ang NPA.

Maliban dito may isa pa umanong High Value Target na nahuli noon ngunit nakapiyansa at ngayon ay sumusuporta sa mga rebelde.


Sa naturang panayam, naglabas ng sama ng loob ang pulis sa ginawa ng mga NPA sa mga ka-tropa niya. Ayon sa pulis, tinambangan daw sila ng mga rebeldeng komunista. Kaya may isang matinding hamon ang pulis sa mga NPA.

“My message sa members ng New People’s Army, I challenge you, kung matapang kayo, kung pinaglalaban niyo yung paninindigan niyo, yung ideyolohiya, humarap kayo sa amin. Kasi kami willing kaming makipag-sabayan sa inyo. Pero kung katulad ng nangyaring insidente kahapon na idadaan niyo kami sa maruming taktika, marunong rin kaming gumawa ng maruming paraan para makabawi sa inyo.” sabi ni Dinco.

Sa kabila nito, tiniyak ni Dinco na hindi natatakot ang pulisya sa NPA.

Hinamon pa ni S/Insp. Dinco ang mga NPA na magbarilan na lamang sila sa plaza ng Sibalom, Antique.

Post a Comment

0 Comments