Aminado si General Santos City Mayor Ronnel Rivera na maraming mga investors sa kanilang lungsod ang nagtatanong kaugnay sa kontrobersiyal na road right of way na binayaran umano ng mga dating tauhan ni Pangulong Noynoy Aquino ng P8.7 Billion.
Nangangamba umano ang mga ito na baka peke ang mga titulo ng kanilang mga nabiling lupain malapit sa ilang mga kalsada na ipinagawa ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ng Aquino administration.
Hanggang ngayon kasi ay hindi malinaw kung saang bahagi ng Gensan matatagpuan ang road right of way na binayaran ng ganoong kalaking halaga.
Naunang nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation sina dating Budget Sec. Butch Abad at dating DPWH Sec. Rogelio Singson dahil sa nasabing kontrobersiya.
Nagsabwatan umano ang ilang mga dating opisyal ng Aquino administration para palobohin ang halaga ng nasabing proyekto na hindi naman malinaw kung saan ito matatagpuan sa lungsod.

Samantala naghugas kamay si dating Budget Sec. Butch Abad sa P8.7 bilyong halaga ng right of way scam sa General Santos City na kinasasangkutan umano niya ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sa isang pahayag, sinabi ni Abad na baseless at pawang kasinungalingan ang nasabing bintang.
Iginiit ni Abad na kailanman ay hindi siya nasangkot, pati na ang Department of Budget and Management (DBM), sa nasabing transaksyon.
Sinabi ni Abad na kung mayroon mang maaaring makapagbigay linaw dito, ito ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na isinasangkot din sa anomalya.
Hindi na rin aniya bago ang nabanggit na isyu dahil ang pagkaka-alam niya ay mayroon nang nakabinbin na kaso tungkol dito sa Ombudsman.
0 Comments