Subscribe Us

header ads

DILG, Dinepensahan ang DENR sa mga Bumabatikos dito Tungkol sa Paglalagay ng Dolomite sa Manila Bay


Dinepensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Department of the Environment and Natural Resources (DENR) matapos nitong umani ng samu't saring pambabatikos sa paglalagay ng dolomite sa Manila Bay na bahagi ng pagpapaganda sa naturang lugar.

Ayon sa statement ni DILG Secretary Eduardo Año na tumatayo ring Vice Chairman ng Manila Bay Task Force, wala na umano sa lugar ang pambabatikos nila sa DENR.




Sinabi pa ni Año na ang dolomite na nilagay sa Manila Bay ay pangkaraniwan lang umanong ginagamit sa beach nourishment ng mga resort sa bansa at maging sa ibang bansa.




Ayon pa kay Año ay mismong Department of Health na ang nagsabi na ang dolomite na nilagay sa Manila Bay ay mas malaki kaysa sa dust material kaya hindi ito mapanganib sa tao.

Pinaliwanag naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na hindi umano P389 million ang ginastos sa proyekto tulad ng sinasabi ng mga bumabatikos. Ang alokasyon lamang dito ay P28 million lang.



Nandito na umano lahat, pinagsamang presyo ng dinurog na dolomite sand, transportation cost o delivery mula Cebu patungong Manila Bay, binayarang buwis, at iba pang bayarin.




Ayon pa kay Malaya, kinuha ng DENR ang pondo sa special purpose fund ng 2019 General Appropriations Act na laan para sa Manila Bay rehabilitation.

Source: Facebook

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments