Kinumpirma ng Vatican News na nagpositibo sa COVID-19 si Dating Manila Archishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ayon kay Matteo Bruni, Director ng Holy See Press Office, wala umanong sintomas ng sakit si Tagle at naka-mandatory self-quarantine sa Manila.
Ang mga nakasalamuha ni Tagle ay mino-monitor na rin.
Sumailalim si Tagle sa COVID-19 test sa Rome noong Setyembre 7, 2020 at negatibo ang resulta nito.
Si Tagle ay kasalukuyang Prefect of the Congregation for the New Evangelization of Peoples sa Vatican matapos siyang italaga ni Pope Francis noong Disyembre 2019.
Source: Noypi Ako
0 Comments